Isang mahalagang araw para sa isang Film student.
Ang mabinyagan siya...binyag sa mga aspeto ng paggawa ng pelikula.
Editing, Production design, Animation, Directing, Acting...
At para sa espesyal na araw ng Oktubre, si Apol, Kacey, Kriz, at ako ay nabinyagan.
Nabinyagan sa aspeto ng Cinematography.
Isang mahabang preparasyon ang binyag sa pelikula, gaya rin ng isang binyag sa relihiyon.
May mga prosesong pinagdadaanan.
Bawat isang hakbang ay masakalap...at pasaklap ng pasaklap.
Pero sa dulo, sa pagtutulungan naming apat, lahat at napagtagumpayan.
Dahil sa mahabang proseso nga...
Ilang mahahalagang kaganapan na lamang ang ating dadaanan.
Dahil ang simula naman ay puro usapin lamang sa pera.
At ang usaping iyon ay walang solusyon, lagi lang pinag uusapan
Usap-usap...at marami pang paguusap.
Hanggang sa umabot sa puntong handa ng magbenta ng laman si (insert name)
Miyerkules, araw bago ang binyag.
Nagbibilang lang kami ng mga numero, dahil wala namang perang bibilangin.
Nagtetext sa isa’t isa sa mga dapat bilihin at gawin.
Wag mo to bilihin, dahil ganito. O kaya naman ay bilihin mo ito dahil kelangan.
Kinagabihan, pumunta na kami ni kacey sa location ng isang grupo para kunin sa kanila ang equipment na gagamitin rin namin sa shoot kinabukasan.
Naglaway na lang kami dahil sa meron silang riles at sandamukal na nilalang sa paligid nila.
Habang kami naman ay nagbabasura para mahingi ang mga gamit na magagamit pa.
Kutsara, tissue, styro, mga baso...sayang pati sana kape.
Dumating na kami sa bahay nila apol kung saan kami magshu-shoot.
Daldal...daldal...daldal..daldal...at ligo.
Gumawa kami ng egg sandwich ni apol habang nag-usap tungkol sa shoot.
Kung pwedeng gumawa ng 1000 sandwiches sa isang tasty...gagawin namin.-motto namin
Pero 700 lang nagawa, sayang. Wahahahahaha! Eherg eherg (tawa ng hikain)
Natapos ang paggawa ng sandwiches kaya natulog na kami. 4am yun.
Gumising kami ng 6 am para makaalis kami agad ni kacey papunta sa makati.
Sa RSVP kung saan namin kukunin ang mga ninong at ninang at pari sa binyag.
Bilang tanga lang kami ni kacey sa direksyon, natagalan kami mejo sa paghahanap sa RS.
Pagdating sa Salamin Bldg, aba sa harap ni Ariel eh tumataas ang presyo ng equipment.
Kaya si kacey ginaya ang steps ni IYA sa shampoo commercial, ayun bumaba naman ang price. Buti na lang at soooooooobrang ganda ng buhok ni kacey. May sariling buhay lang.
At sinayawan pa ni kacey sa parehas na steps ang ibang kuya. For that mababait sila.
Traffic sa edsa kaya nag-C5 kami. Takteng mga pulis makati ngayon pa naisipan maging nature friendly. Mag check ba naman ng tambutso ng mga sasakyan. Kaya pinara kami.
Bumaba ulit si kacey at nagmala-IYA at syempre, ano pa ba, pinalampas na naman kami.
Nakarating kami sa location mga 10:30, 30 minutes late sa call time.
Pagdating kina Apol, pinababa na agad ang mga gamit. Kunyari maalam ipinalagay agad ang 35mm na cam sa dapat niyang lugar. At yun na nga ang simula ng binyag.
Tumayo ang Paring ENER at kami at tinanong...maraming tanong...
Anong lente ang gagamitin?
Anong ASA ng film natin?
Lalagyan ba ng filter?
So ano na ngayon ang ASA nilagyan ko na ng 85A?
Ano yung film niyo?
Lahat kami parang langgam na mabubuhusan ng tubig sa pagpa-panic.
Takbo sa kwarto at kuha ng notes, kung pwedeng bumalik sa sinapupunan ng nanay ay gagawin namin. Pero syempre hinde. Pwede naman kasing iba ang itanong ba’t yun pa.
Pwede namang:
Asan ang CR?
Magkano ang palitan ng Dolyar at Piso?
Anong nangyari sa Bituing Walang ningning?
Ilan na ang pelikula ni Manny Pacquiao?------> baka masagot pa namin.
Sobrang kahihiyan at panliliit ang naramdaman namin.
Pero buti na lamang at natural sa amin ang pagiging magagaling, kaya nakaya namin.
Simula lamang ang aming pagiging api, parang sa mga teleserye. At sa bandang huli kami ay namayagpag. Lahat halos ng shot ay tig-iisang take lamang.
Ang pari na nag tatanong sa amin ay kalokohan na namin.
Kinuha pa naming artista sina TENG at BRIAN, mga taga-RSVP.
Sa bandang huli, nagagawa na kaming iwanan ng mga taga RSVP dahil alam na namin ang ginagawa namin. Magaling na talaga kami. AHAHAAHAH! Matawa na lang tayo.
Ang saya ng mabinyagan ng mga taong bihasa sa paggawa ng pelikula.
Salamat kina NOR, PAO, at TEY...ang mga sakristan at mga madre sa aming shoot.
Salamat kay kuya ENER ang paring nagbinyag sa amin.
Salamat kina BRIAN, TENG, Kuya JERRY, Kuya Romeo at iba pang mga taga-RSVP (gagantihan ko ang mga taong aaway sa inyo)
Mga ninong namin sa binyag.
Kina AINA, CHRISIE, Ate SUGAR, MAJ, aming mga ninang.
Kay kuya RP ang aming magaling na COOK.
At sa iba pang mga grupo ng cinematog na talagang supportive sa isa’t isa.
Kina, PAULINE, PAOLO, YNES, NESTOR, ADRIAN, MIMAY, VAL. PIA, AT MO.
Kayo ang mga bisita sa ming binyag.
At syempre sa aming AMA na si NAP JAMIR.
Salamat sa pagdala sa amin sa mundong ito.-Mula sa mga mapagmahal mong anak.
Naps babies!