maikel

guten TAG

   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


Superman was killed in Dallas There's no love left in the palace Someone took the Beatles' lead guitar Have another Chivas Regal You're 12 years old and sex is legal Your parents don't know where or who you are

Used to be the hero of the ballgame Took the time to shake the loser's hand Used to be that failure only meant you didn't try In a world where people gave a damn

Great big wars in little places Look at all those frightened faces But don't come here, we just don't have the room Love thy neighbours wife and daughter Cleanse your life with Holy water We don't need to bathe, we've got perfume

Used to be a knight in shining armour Didn't have to own a shiny car Dignity and courage were the measure of a man Not the drugs he needs to hide the scar

Can your teacher read, does your preacher pray Does your president have soul Have you heard a real good ethnic joke today Mama took to speed and daddy ran away But you mustn't lose control Let's cut the class, I got some grass The kids are wild we just can't tame 'em Do we have the right to blame them

We fed them all our indecisions We wrecked their minds with television But what the hell, they're too young to feel pain But I believe that love can save tomorrow Believe the truth can make us free Someone tried to say it, then we nailed Him to a cross I guess it's still the way it used to be




ang simula
LINK
abby
andre
bambam
klara
loren
cinema
survivoroleo
ayn
tonet
ace
tindabu
lala
irene
bebs
mimay
kz

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Feb 6, 2007
Nawawalang angas

Matagal kong pinigilan ang sarili kong mag post sa blog na ito. Isa sa mga dahilan ay dahil sa aking new year's resolution na magbagong buhay at magpakabait. Malaking parte kasi ng mga entries sa blog na ito ay mga galit at pang aaway. Kung iisipin rin naman kasi nabuo ito dahil sa galit. Pero dahil sa meron akong 1-week na off sa pagiging mabait ko, naisipan kong magsulat muli.

Nahirapan akong magbago ng ilang elemento sa aking thesis, una dahil hindi ko mabitawan ang ibang aspeto nito. Pero ngayon natanggap ko na. Last week hirap na hirap akong isipin ang aking pelikula. Sobrang natatakot ako na mag thesis, na para bang wala akong tiwala sa sarili ko. At masama yun para sa akin na may tiwala sa sarili. Titigil ang mundo ko kapag nawalan ako ng tiwala sa sarili, at ganun na nga ang nangyari last week.

Hinde ko maintindihan kung bakit sobrang lungkot ko nun, naapektuhan pati ang thesis ko. Hinde ako makapag -isip. Na solusyunan ko naman ang problemang ito bago matapos ang linggo.

Nahanap ko na ang nawawalang angas, hinde man kumpleto malaking parte naman ang naibalik.

Sobrang laki kasi ng tiwala ko sa isang tao, na handa akong ipaubaya sa kanya ang thesis ko. Napatunayan kong mali iyon, may tiwala ako sa kanya, pero mas higit pa rin pala dapat ang tiwala ko sa sarili ko. Lalong lalo na dahil sa aking iyong pelikula.

Kaya ngayon, handa na ako sa gera. Nakakasa na ang bala at sasabog ito.


Posted at 12:04 am by mjcardoz
Make a comment  

Dec 28, 2006
YAHOOOOO!

Nakuha ko na ang planner ko sa starbax.
May planner na ako, mga plano na lang sa buhay ang kulang.
San kaya ko magsisimula. Alam ko na...matutulog muna ako.
Yun rin naman magigi kong trabaho pag-graduate ko e.


Posted at 12:08 am by mjcardoz
Make a comment  

Dec 24, 2006
It's time to celebrate, not to contemplate

Tapos na ang Simbang gabi...nakumpleto ng pamilya ko yung siyam na misa.
Pero ako kulang ng isa, sabit na lang ako sa pagkakumpleto nila,sana pwede yun.

Eto ang unang taon na nagkaroon ako ng sarili kong income.Mula sa isang masayang raket. At ito nga yung pelikulang ginawa namin. Kaya ito rin ang unang taon na nabilihan ko ng mas maganda gandang mga regalo ang aking pamilya. Ngayon lang ata ako nagregalo ng damit, o ngayon lang ako nagregalo. At dahil ito rin ang taon na may pinakamarami akong naging inaanak.Masaklap para sa aking bulsa ang mga naganap. Buti na lang at may mga mura pa ring mga regalo. At mabuti rin na mga bata pa sila kaya kahit ano lang pwede na. HAHAHA. At kapag sinabi kong kahit ano...matakot sila rin.

Ilang oras na lamang ay pasko na. Kagabi pinapanalangin ko na umulan sa araw ng pasko. Para hinde makalabas ang mga bata at hinde makapaghasik ng kanilang panghihingi ng mga regalo sa mga tao. Sorry lang masama lang ako.

Merry Krismas.


Posted at 10:45 pm by mjcardoz
Make a comment  

Dec 20, 2006
And all I want for christmas is you.

Handa na ba akong magpasko. Sabi ng tiyan ko OO, sabi ng wallet ko hinde na.
Naubos na ang aking naipon sa pagtatrabaho sa aming independent film.
Natapos ito ng masaya at puno ng masasarap na ala-ala na masarap balik balikan.
Totoong mamimiss ko ang mga taong nakasama ko run, para kaming mga magkakabarkada lang. Isang masaya at malaking barkada. Sila ang mga taong may malaking puwang sa aking memorya, na pipilitin kong hindi malimot.

Natapos na rin ang POV3 ang event ng Cinema na sobrang pinaghirapan naming lahat. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng miyembro dahil lahat ng iyon ay bunga lang naman ng aming pagtutulungan. Marami kaming pinagdaanan sa pagbuo ng event na ito, may mga nakilalang ugali at mga taong hinde naintindihan. Pero tapos na yun wag na  muna balikan. Sobrang saya ng POV kahit na may bomb threat nung umpisa.

Nalaman ko lang ulet ngayon na ang aking kaibigan ay may lovelife na ulet. Good for her, SANA. At marami pa akong nalaman, na akin na lang.

Pagdating sa love life, mukhang invisible mode lagi ako sa radar ni kupido. Korni tang ina. Gagawa ako ng checklist ng mga posibleng dahilan kung baket palpak si kupido.

  •  mukhang mas mataas ang lipad ko kay kupido kaya hinde niya ako makita.
  • O lagi lang siyang nauubusan ng arrows para sa akin.
  • O kaya naman walang kapareha ang arrow na tumatama sa akin.
  • O nakatakdang ma-inlove lamang ako sa sarili ko for more narcissistic mode
  • O baka napatay ko si kupido ng hinde ko sinasadya.

Mamili na lang siya kung ano jan, pero yung last d ko alam kug paano pa niya mapipili kung napatay ko na siya. Kapag dumating na ang arrow para sa akin, sabihin lang para hinde ako umilag. (dahil sa iyo sir avecilla kaya ako nagkakaganito) Shet

ANo ang matatanggap ko sa pasko, ikaw.


Posted at 10:02 pm by mjcardoz
Make a comment  

Dec 3, 2006
Pampasaya ang magbuhat ng sariling bangko

Masarap na nagkaroon ng mahabang kunwaring panahon ng pagpapahinga. Nagawa ko ang mga normal na gawain ko sa mga araw na iyon. Tumapat sa computer at makinig ng mga musika doon habang gumagwa ng paper. Nagpapaala na ako ay isa pa rin estudyante. Pagpasok ng lunes simula na naman ng gera.

Madalas kong gawain kapag napanghihinaan ako ng loob ay basahin ang mga testimonials sa akin sa friendster. Doon kasi pakiramdam mo ay perpekto kang tao sa mga aspetong gusto mo. At naalala ko rin lang na ako ay isa pa lang graduating student, at matutupad ang aking pagtatapos kung malalampasan ko si Sir Avecilla. Balik tayo sa usaping graduating, habang nakatingin sa monitor ng aking PC nakita ko ang write up sa akin ng isang matagal ng kaibigan para sa yearbook. At dahil hinde naman kayo lahat ay makakakita ng aking yearbook, i-share ko na ang write up na ito. Hinde man ito magbigay ng kasiyahan sa inyo, at hinde man mabago ang takbo ng buhay niyo. Basta ako sumaya nung nabasa ko.

Wala akong binago rito promise...

Siya'y bato sa tabing-dagat na bagamat nalulunod kung minsa't walang humpay na hinahampas ng mga alon ay nananatili pa rin sa lugar at hindi natitinag.

 

Si Maikel ay isang matibay na tao. Hindi niya ugali ang sumuko. Wala siyang sinasayang na lakas at sandali. Lahat ng bagay na kanyang nasimulan ay kanyang tinatapos. Tinitiyak niyang lahat ng kanyang ginagawa ay makabuluhan at makapagdudulot ng pag-unlad sa kanya. Parating pasulong ang kanyang lakad.

 

 

Siya'y rocket ship na ang tanging direksiyong tinutungo ay pataas at mabilis na naglalakbay upang agarang maabot ang kalawakan. Ang mabusising pagkakagawa sa kanya ay pinag-isipang mabuti. Walang inilalaang puwang sa anumang pagkakamali.

 

Malinaw kay Maikel ang mga bagay na nais niyang makuha at alam niya ang direktang daang dapat tunguhin upang makamit ang mga ito. Nananatili siyang tutok sa mga bagay na nais niyang maabot. Hindi siya madaling ma-distract* ng mga bagay na nagaganap sa kanyang paligid.

 

 

Siya'y chewy candy na kapag sinubo ay nakakairita ang tigas sa loob ng bibig subalit habang tumatagal, sa patuloy na pagnguya at pagbabad sa laway ay unti-unting lumalambot at higit na lumalabas ang tunay na sarap. Ang lasa na nananatili kahit na ba maubos o inuman ng tubig.

 

Sa sandaling pagkakakilala'y masasabi na si Maikel ay isang taong mahirap pakisamahan at i-please*.

Ang tunay na mensaheng nais niyang ipaabot ay hindi makukuha sa mga salitang kanyang sinasabi kundi sa porma ng kanyang kilay na may perpektong korte at mga matang kahit na piliting maging maamo ay tila nanlilisik. Ganito man ang madalas na impresyong nakukuha, ang tunay na Maikel ay isang taong responsable, mapagkakatiwalaan, praktikal, malikhain at irreplaceable*. Ang kanya ring pagkamasiyahin ay nakapapawi ng lungkot ng ninuman

 

Sa kabuuan, si Maikel ay isang tunay na kaibigang nananatiling totoo sa kanyang sarili at sa iba.

******************************** 
Sobrang wala ako binago pati font at mga naka bold na part ay hinde ko ginalaw.


Posted at 09:57 pm by mjcardoz
Make a comment  

Nov 29, 2006
Mga basura mula sa utak ko. Tinatapon ko lang

Ang hirap ipakita at sabihin ng mga  talagang gusto mong ipakita.
Madalas iba ang pagkaintindi ng mga tao.
Mas madalas na mali, yun ay sa aking sitwasyon hinde ko alam kung sa iba ganun rin.
Marami nga siguro akong nasaktan, at wala nga talaga ako marahil kunsiderasyon sa damdamin ng iba.
Yun ang tingin ng ibang tao sa paligid ko. Ang masasabi ko lang ay mali kayong lahat. Hinde niyo lang alam kung gaano ko katagal iniisip ang mga bagay, at kung ilang beses kong inisip kung ano ang pwedeng maramdaman ninyo. Kung hinde ako nag iisip marahil mas matindi pang damage ang nagawa ko.
May mga dahilan ako kung bakit ko nagagawa ang mga bagay, at kapag tinanong ako mahusay ko iyong madedepensahan. Siguro masama nga ang pagigi kong tapat sa nararamdaman ko. Pero kapag hinde ko yun ginawa, ako ang sasabog at masusunog sa sarili kong apoy.
Kung sa palagay niyo hinde lang ako nangangausap dahil sa galit ako, higit pa run ang dahilan. Dahil kapag nagsalita pa ako, wala ng magandang lalabas sa bibig ko at ayoko yung mangyari.
Marami man akong gustong sabihin hinde rin naman maiintindihan, at gaya ng madalas mangyari mali rin naman ang interpretasyon kaya wag na lang.

Kaya sa susunod kapag tinanong ko kayo kung ano ang mali sa akin, sabihin agad.
Mas matatanggap ko kung direkta kong nalalaman, kesa sa kung saan saang basurahan ko pa napupulot ang mga balita. Hinde patas na saksakin ako mula sa likuran, sana bigyan ako ng pagkakataon na humarap at tanggapin ang puna ng harap-harapan. Kaya ko naman yun tanggapin.

 


Posted at 10:28 pm by mjcardoz
Make a comment  

Kumunoy ng kawalang pag-asa

Pag ahon mula sa kumonoy ng kawalang pag-asa.

 

Habang pumipiglas at nilalabanan lalo kang lulubog.

Uubusin ang lakas mo hanggang sa sumuko ka at magpalamon.

Mararamdaman mong dahan dahan kang mauubusan ng hangin.

Dahan dahan kang mawawalang ng pag-asa.

 

Marami na ang nasawi sa kumunoy.

Lahat tinangka lumaban ngunit sa huli ay natalo.

Lahat pumiglas pero sa huli ay nanghina.

Sa dulo ng kumunoy walang pag-asa

 

Kapag nahulog ka tatakbo papalayo ang mga kasama mo sa paglalakbay

May ibang bumabalik na may dalang lubid, ang iba naman ay kahoy.

May iba ring umaalis at hinde na tumutulong.

MInsan ang iba mong kasama pa ang nagtulak sa iyo.

 

Hinde gaya ng dagat ang kumunoy.

WAla ritong isda at magandang tanawin.

Magaspang ang ilalim nito at hinde tinatagusan ng sikat ng araw.

Kadiliman ang tanging liwanag na meron rito

 

Kaya' t bago pa man tuluyang lumubog sa kumunoy ng kawalang pag-asa.

Bago pa man silawin ng kadiliman ang iyong mata.

Bago mo malamang walang isda rito.

Magpakamatay ka na.

 

Pagpapakamatay

 

Hinde laging buhay ang nawawala sa pagpapakamatay

Hinde laging libing ang hantungan sa ganitong kaganapan.

May nawawala oo, pero hinde laging hininga.

May nasasaktan oo, pero hinde rin laging ikaw.

 

Maraming beses na akong nagpakamatay

Lahat yun matagumpay

Nawalang ng pang unawa at pagmamahal

Mga mahahalagang bagay na pilit pinatay

 

Maraming hinde nakaka intindi sa mga taong nagpapakamatay

Maraming mapang husga na wala namang naiintindihan

Sila minsan ang dahilan kung baket laging sugatan

SA dami ng sugat mas mabuti pa ang habang buhay mahimlay.

 

Mas marami ang peklat na nakatago dulot ng aking pagpapakamatay

Mga peklat na sa balat hinde masasalat

Walang marka ang aking paraan

Pero epektibo ito at maaasahan.

 

*sa mga taong nakikibasa, wag piliting intindihin. Tanggapin nten na may mga bagay na ginawa para hinde natin maintindihan.


Posted at 10:20 pm by mjcardoz
Make a comment  

Oct 30, 2006
Boom tarat tarat!

Gusto ko muna unahin ang nakakatawang parte ng aming biyahe, bago ang aming halloween special na biyahe. At ito nga ang lalamanin ng entry na ito.

Dahil nga sa minulto kami sa unang gabi namin sa baguio minabuti naming mag night life na lamang. Actually, kahit nung unang gabi pa lamang namin e umeeksena na ang aking tiyan.  Bago kami umakyat ng baguio amaze na amaze ang mga kasama ko sa nangyaring concert ni Regine, at ang naging tugon ng aking tiyan ay isang matinding concert rin.

Sa panahon na takot na takot kami, ang tiyan ko ay nagbibigay ng kanyang performance. Ang paborito niyang beat ay GARALGAL. Habang nagdadasal ay sumusingit siya ng isang malakas at mahabang kulo. Ang pagkulo ng aking tiyan ay hinde sikreto, dahil sa makapal ang mukha  ng tiyan ko ipinaririnig niya sa iba ang pag-garalgal niya. Ice breaker din siya minsan

Nung kami naman ay nasa simbahan na ng baguio at tensiyonado na ang sitwasyon. ABA! eto na naman ang aking tiyan na sumasabay sa eksena. Sadyang ma-epal lang siya talaga. Dapat ay tumutulong ako sa mga kasama ko,but no kelangan ko rin intindihin ang aking tiyan, na nawili ata sa pag-iingay sa simbahan. Habang nagdarasal kami ang tiyan ko ay parang inaasinan na kalahating katawan ng manananggal. Sobrang ang kulet niya, buti rito at ka duet ko naman si GREG, ahahahha, may kasama na ako. Saya ng may kasama.

Naghanap kme ng banyo sa gitna ng kalamigan ng madaling araw ng baguio. Sori lang ang mga ipinagmamalaking CLEAN COMFORT ROOMS ay hindi makapagbibigay ng comfort sa panahong ito dahil sila ay sarado pa. Ang mga banyo naman ng terminal ng Bus ay hinde pasado sa standards ng aking tiyan. Lalangoy palabas ng banyo ang ebak kapag dun mo siya idineposito. Sobrang YAK!!!

At dahil diyan, naging kantiyawan ang pagpasok sa banyo, dahil lahat kami ay laging gumagamit nun. Ang iba pa nga ay nagbabanyo ng bukas ang pinto dahil sa takot. Sa panahon na ikaw ay pupunta ng banyo IKAW ANG BIGATIN!

Boom tarat tarat (2x)
tararat tararat boom boom boom.

Mabuhay ang mga Clean Comfort Rooms sa Baguio.


Posted at 12:18 pm by mjcardoz
Make a comment  

Oct 29, 2006
Malamig ang simoy ng hangin.

Nakabalik na ako mula sa Baguio.
Maraming mga kwento na gusto ipamahagi, pero tinatamad pa ako magtype.
Ngayong gusto ko lang ipamalita na ako ay masaya na nasa maynila ng muli.
Tapos na ang first sem at handa na akong harapin ang aking graduating sem.

Masaya ako na hinde natanggal si Mitch sa PDA. Hinde ko alam kung baket, pero hinde naman siya kagalingan. Kung tutuusin mas magaling pa nga yung naalis. Pero iyon eh....ganun talaga. Nakakagulat ang dating ni Rosita sa mga fans. Ano kaya nakita nila sa kanya.

Nakapag pagupit na ako. yuhooo!
At sa darating na linggo sisimulan ko na ang trabaho ko kasabay ng paghahanda sa thesis. AT syempre, paghahanda pa rin sa ibang bagay gaya ng POV3.

Mga dapat abangang entries:

If I close my eyes will you appear.
Boom-tarat-tarat.


Posted at 12:28 pm by mjcardoz
Make a comment  

Oct 22, 2006
Seryoso ito!

Ako ay nananawagan sa iyo.
Alam mo naman kung sino ka.
Malaki ang posibilidad na hinde mo ito mabasa, pero baka lang mabasa mo.
HInahanap ka na namin at kami ay nag-aalala na.
HInde naman namin sasabihin sa kanila kung asan ka.
Gusto lang namin malaman kung ayos ka lang.

OK. sabihin mo lang.na OK ka.


Posted at 09:07 pm by mjcardoz
Make a comment  

Next Page