|
Tapos na ang Simbang gabi...nakumpleto ng pamilya ko yung siyam na misa. Eto ang unang taon na nagkaroon ako ng sarili kong income.Mula sa isang masayang raket. At ito nga yung pelikulang ginawa namin. Kaya ito rin ang unang taon na nabilihan ko ng mas maganda gandang mga regalo ang aking pamilya. Ngayon lang ata ako nagregalo ng damit, o ngayon lang ako nagregalo. At dahil ito rin ang taon na may pinakamarami akong naging inaanak.Masaklap para sa aking bulsa ang mga naganap. Buti na lang at may mga mura pa ring mga regalo. At mabuti rin na mga bata pa sila kaya kahit ano lang pwede na. HAHAHA. At kapag sinabi kong kahit ano...matakot sila rin. Ilang oras na lamang ay pasko na. Kagabi pinapanalangin ko na umulan sa araw ng pasko. Para hinde makalabas ang mga bata at hinde makapaghasik ng kanilang panghihingi ng mga regalo sa mga tao. Sorry lang masama lang ako. Merry Krismas. |
| Leave a Comment: |