|
Matagal kong pinigilan ang sarili kong mag post sa blog na ito. Isa sa mga dahilan ay dahil sa aking new year's resolution na magbagong buhay at magpakabait. Malaking parte kasi ng mga entries sa blog na ito ay mga galit at pang aaway. Kung iisipin rin naman kasi nabuo ito dahil sa galit. Pero dahil sa meron akong 1-week na off sa pagiging mabait ko, naisipan kong magsulat muli. Nahirapan akong magbago ng ilang elemento sa aking thesis, una dahil hindi ko mabitawan ang ibang aspeto nito. Pero ngayon natanggap ko na. Last week hirap na hirap akong isipin ang aking pelikula. Sobrang natatakot ako na mag thesis, na para bang wala akong tiwala sa sarili ko. At masama yun para sa akin na may tiwala sa sarili. Titigil ang mundo ko kapag nawalan ako ng tiwala sa sarili, at ganun na nga ang nangyari last week. Hinde ko maintindihan kung bakit sobrang lungkot ko nun, naapektuhan pati ang thesis ko. Hinde ako makapag -isip. Na solusyunan ko naman ang problemang ito bago matapos ang linggo. Nahanap ko na ang nawawalang angas, hinde man kumpleto malaking parte naman ang naibalik. Sobrang laki kasi ng tiwala ko sa isang tao, na handa akong ipaubaya sa kanya ang thesis ko. Napatunayan kong mali iyon, may tiwala ako sa kanya, pero mas higit pa rin pala dapat ang tiwala ko sa sarili ko. Lalong lalo na dahil sa aking iyong pelikula. Kaya ngayon, handa na ako sa gera. Nakakasa na ang bala at sasabog ito. |
| Leave a Comment: |